Lumad lider at anak nito, patay matapos atakihin ng umano’y miyembro ng komunistang grupo sa Davao del Norte
Patay ang isang Lumad leader at kaniyang anak matapos umatake ang hinihinalang komunistang grupo sa Talaingod, Daveo del Norte, Linggo ng umaga.
Ayon kay Maj. Ezra Balagtay, tagapagsalita ng Eastern Mindanao Command (Eastmincom), kinilala ang mga biktima na sina Datu Banadjao Mampaundang at anak na si Jhonard, parehong miyembro ng Ata-Manobo tribe.
Aniya, nasa loob ng kanilang bahay ang dalawang biktima sa Sitio Igang sa Barangay Palma Gil nang biglang pumasok at nagpaputok ng baril ang mga armadong lalaki na nagpanggap pa bilang mga sundalo bandang 4:00 ng madaling-araw.
Naganap ang pag-atake ilang araw matapos bisitahin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang halos 1,000 Mindanao lumar leaders.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.