Sen. Trillanes, maghahain ng resolusyon para imbestigahan ang umano’y tagong-yaman ni Pang. Duterte
By Chona Yu February 04, 2018 - 02:24 PM
Maghahain ng resolusyon bukas si Senador Antonio Trillanes IV para paimbestigahan ang umano’y tagong-yaman ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng kanyang pamilya.
Partikular na pinasisilip ni Trillanes ang bank document ng pangulo at ng kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte na P100 milyon sa Bank of the Philippine Island (BPI).
Sinabi pa ni Trillanes na maaring labag na sa Anti-Money Launderinjg Council ang mahigit P500,000 kada transaksyon sa BPI.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.