Nagpaalala ang pamahalang-panglalawigan ng Albay sa pangunahing batayan sa pagpapauwi ng mga evacuees.
Sinabi ni Cedric Daep, ng Albay Public Safety and Emergency Management Office, ang pahayag ng Phivolcs na nababawasan ang mga aktbidad ng Mayon ay hindi lang ang batayan para makauwi na ang libo libong evacuees.
Aniya hindi mahalaga kung ano na ang nakikita at naririnig sa bulkan dahil ang pangunahing ikinukunsidera ay ang distansiya o layo mula sa mismong bibig ng Mayon.
Ipinaalala nito na ang mga nasa loob ng six kilometer permanent danger zone ay high risk, critical naman ang nasa loob ng seven kilometer buffer zone at extended buffer zone na lang ang mula eight hanggang 10 kilometro.
Ginawa ni Daep ang paglilinaw habang pinauuwi na ang mga inilikas mula sa mga barangay na nasa loob ng eight-kilometer danger zone at nagsimula ito noon pang Biyernes.