DOH, nababahala sa mababang bilang ng mga nagpapabakuna sa bansa

By Angellic Jordan February 04, 2018 - 09:04 AM

Inquirer file photo

Nagparating ng pagkabahala ang Department of Health (DOH) hinggil sa pagbaba ng nakikiisa sa mga public health and immunization programs sa bansa.

Ayon kay Health Undersecretary Rolando Enrique Domingo, sa unang deworming program ngayong taon, “very low” ang bilang ng mga nagpabakuna nito.

Paliwanag ni Domingo, ito ay dahil maraming magulang ang natatakot na ipabakuna ang kanilang mga anak matapos ang kontrobersiya sa dengue vaccine na Dengvaxia.

Aniya pa, 60 na porsyento lang ang kumukuha ng iba’t ibang bakuna tulad ng panlaban sa polio, tigdas, tetanus at diphtheria na dati ay umaabot pa ng 85 hanggang 90 na porsyento.

Giit ni Domingo, hindi masisisi ang takot ng mga magulang ngunit hindi aniya dapat magpadala dito.

Matatandaang ipinatigil ng kagawaran ang dengue immunization program noong November 2017 matapos tumaas ang bilang ng mga pasyenteng nagkaroon ng severe dengue sa bansa.

TAGS: Dengvaxia, deworming, diphtheria, doh, Polio, public health and immunization programs, tetanus, tigdas, Dengvaxia, deworming, diphtheria, doh, Polio, public health and immunization programs, tetanus, tigdas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.