Ayon kay PDEA spokesman Derrick Carreon talamak pa rin ang iligal na pagpupuslit ng iligal na droga at pagtatayo ng mga shabu laboratories ng mga malalaking Chinese drug trafficking organizations.
Mula noong July 2016 ay nasabat na ng mga awtoridad sa mga isinagawang law enforcement operations ang aabot sa 2,577.05 na kilo ng shabu.
Nagkakahalaga ang naturang kontrabando ng P13.24 bilyon.
Idinagdag pa ng opisyal na ipinupuslit din ng mga Mexican drug syndicates ang mga droga nang paunti-unti sa pamamagitan ng parsela.
Nakikipag-ugnayan naman anya ang PDEA sa iba pang ahensya ng gobyerno tulad ng Philippine Ports Authority (PPA) at Maritime Industry Authority (MARINA).
Ito ay upang mahigpit na mabantayan ang mga paliparan at pantalan sa pagpupuslit ng mga iligal na droga papasok ng bansa.