Ayon kay Syrian Observatory for Human Rights chief Rami Abdel Rahman, hindi pa kilala kung sinong rebeldeng grupo ang responsable sa pag-atake, ngunit ang Hayat Tahrir al-Sham (HTS) na isang jihadist group ang aktibong nag-ooperate sa Saraquib.
Ani Rahman, nang bumagsak ang eroplano ay nakatalon ang piloto gamit ang parachute. Pagdating niya sa lupa ay doon naman siya binihag ng mga rebelde.
Nakipaglaban umano ang piloto sa mga bumihag sa kanya at doon siya napatay ng mga ito.
2015 nang magsimula ang paglulunsad ng Russia ng airstrikes sa Syria at August 2016 nang pabagsakin ng Syrian rebels ang isa pang Russian military helicopter na kumitil sa buhay ng limang pasahero nito.