Russian warplane pinabagsak ng Syrian rebels

By Justinne Punsalang February 04, 2018 - 06:53 AM

Namatay ang isang Russian pilot matapos niyang makipaglaban sa mga Syrian rebels na nagpabagsak ng kanyang pinalilipad na warplane.

Ayon kay Syrian Observatory for Human Rights chief Rami Abdel Rahman, hindi pa kilala kung sinong rebeldeng grupo ang responsable sa pag-atake, ngunit ang Hayat Tahrir al-Sham (HTS) na isang jihadist group ang aktibong nag-ooperate sa Saraquib.

Ani Rahman, nang bumagsak ang eroplano ay nakatalon ang piloto gamit ang parachute. Pagdating niya sa lupa ay doon naman siya binihag ng mga rebelde.

Nakipaglaban umano ang piloto sa mga bumihag sa kanya at doon siya napatay ng mga ito.

2015 nang magsimula ang paglulunsad ng Russia ng airstrikes sa Syria at August 2016 nang pabagsakin ng Syrian rebels ang isa pang Russian military helicopter na kumitil sa buhay ng limang pasahero nito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.