Lady Gaga, kinansela ang nalalabing bahagi ng kanyang Joanne world tour

Kinansela ni Lady Gaga ang huling 10 bahagi ng kanyang Joanne World Tour sa Europa dahil sa umano’y nararanasang ‘severe pain’.

Malungkot itong inanunsyo ng pop star at todo hingi ng paumanhin sa kanyang mga fans at sinabing kailangan niya munang pagalingin ang sarili.

‘Devastated’, ganito inilarawan ng singer ang sarili at sinabing ang kanyang sitwasyon ay hindi niya na kontrolado.

Nangako naman siya na siya ay babalik upang magperform sa mga maaapektuhang lungsod kabilang ang London at Manchester sakaling makarekober.

Mayroong ‘fibromyalgia’ si Gaga na isang medical condition na maaaring magdulot ng lubhang sakit sa buong katawan.

Nasimulan na ng Grammy award-winning singer ang kanyang European tour matapos magtanghal sa Birmingham Arena.

Maaari namang humingi ng refund ang mga nakabili na ng ticket simula sa Martes, February 6.

Read more...