P30M inilaan ng PCSO para sa Mayon evacuees
Naglaan ng P30 milyon ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) mula sa kanilang calamity fund para makatulong sa mga residenteng apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.
Ayon kay PCSO Chair Anselmo Simeon Pinili, ang naturang donasyon ay bilang tugon sa hiling ni Pangulong Rodrigo Duterte nang ito ay bumisita sa Albay na dagdagan ang pondo para sa mga Mayon evacuees.
Gagamitin ang naturang donasyon para sa relief operations at calamity assistance sa mga apektadong lugar.
Ayon pa kay Pinili, manggagaling ang naturang halaga mula sa kanilang taunang P100 milyon calamity fund na inaprubahan naman ng Department of Budget and Management (DBM) para sa mga natural at man-made disasters.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.