Pinaslang na miyembro ng Air Force, nakatanggap ng banta sa buhay

By Justinne Punsalang February 04, 2018 - 05:03 AM

Sinabi ng pamilya ng pinaslang na miyembro ng Philippine Air Force na si Sargeant Mark Herbert Oberes na nakakatanggap umano ito ng mga banta sa kanyang buhay.

Ayon sa bayaw nito na si Bert Padilla, ang ina at kasalukuyang kinakasama ng dating kasintahan ni Oberes na sina Edna Cabañog at Joshua Garciano ang nagpapadala ng mga death threats dito sa pamamagitan ng text messages at Facebook.

Sa ngayon ay suspek sa pagkamatay ni Oberes ang kanyang dating kasintahan na si Resamie.

Lumabas sa imbestigasyon ng mga otoridad na love triangle ang rason sa pamamaslang sa biktima.

Ngunit ayon naman kay Padilla, naniniwala silang mayroong personal na galit ang suspek kay Oberes.

Ayon sa asawa ni Oberes na si Diana, napag-alaman niya noong nakaraang buwan na nanghiram ng P50,000 si Resamie sa kanyang asawa para umano magbukas ng carinderia. Nang singilin na ito ng biktima ay doon na siya nagsimulang makatanggap ng mga banta.

Sa ngayon ay patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad para matunton ang kinaroroonan ng iba pang mga suspek sa pamamaslang.

TAGS: PAF member killed, Philippine Air Force, Sargeant Mark Herbert Oberes, PAF member killed, Philippine Air Force, Sargeant Mark Herbert Oberes

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.