Traffic enforcer nabangga ng isang truck sa Maynila
Galos sa katawan ang natamo ng isang traffic enforcer ng Manila Traffic Bureau matapos itong mabangga ng isang truck sa Tondo, Manyila.
Kinilala ang biktima na si Bryan Abenir na sakay ng kanyang motorsiklo.
Kwento ng Jomar Olor na siya namang driver ng truck, nasa third lane siya ng kalsada at nasa unang lane naman si Abenir. Ngunit habang binabagtas ang kalsada ay bigla umanong nag-cut ang biktima.
Dahilan ito upang hindi niya mapigilang mabangga ang motorsiklo na nagresulta sa pagsemplang ni Abenir.
Agad na dumating ang rescue team na silang nagbigay ng paunang lunas sa biktima bago ito dinala sa ospital.
Posibleng maharap si Olor sa kasong Reckless Imprudence Resulting to Physical Injuries.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.