Bangkay ng isang lalaki natagpuan sa Valenzuela City

Photo: Cyrille Cupino

Isang bangkay ng lalaki na hinihinalang biktima ng summary execution ang natagpuan sa bahagi ng C. Santiago St., Brgy. Veinte Reales, Valenzuela City.

Hindi pa alam ang pagkakakilanlan ng biktima na nakasuot ng pulang sweatshirt at shortpants.

Ayon sa mga opisyal ng Barangay, natagpuan ang bangkay bandang alas-sais y medya ng umaga kanina.

Nakabalot ng packaging tape ang ulo ng biktima at nakatali rin ang mga kamay paharap.

Sa ngayon pino-proseso na ng Scene of the Crime Operatives o SOCO ang bangkay ng biktima.

Titingnan rin ng mga otoridad ang mga CCTV camera sa Barangay sa pag-asang makakuha ng dagdag na mga detalye hingil sa naganap na krimen.

Read more...