Watch: Babae nagwala sa Greenhills dahil sa illegal parking

By Jimmy Tamayo February 03, 2018 - 10:33 AM

Video grab

Viral ngayon ang isang video ng isang babae na nagwala makaraan lagyan ng wheel clamp ang kanyang kotse sa Barangay Greenhills, San Juan City.

Sa nasabing cellphone video, makikitang sinugod pa ng babae at sinaktan ang tauhan ng Barangay.

Kuwento ni Barangay Traffic Enforcer Alnor Imperial, na-clamp ang kotse ng babae dahil sa illegal parking.

Pero hindi nito matanggap kaya siya nagwala at nagsisigaw at naupo pa sa gitna ng kalsada na naging dahilan ng pagsisikip sa daloy ng trapiko sa lugar.

Minura pa nito ang tauhan ng Barangay Greenhills at pilit na pinaalis ang clamp.

Napahupa lamang ang galit ng babae nang dumating ang kapatid nito na isang sundalo at miyembro umano ng Presidential Security Group.

Plano ng mga opisyal ng Barangay Greenhills na kasuhan ang nasabing babae na hindi na nila pinangalanan pa.

 

Watch:

https://www.youtube.com/watch?v=IH2I8-LrQ9o Eskandalosang babae nagwala matapos maclamp ang sasakyan Eskandalosa tong babae na to infront of our office. Annapolis st. Greenhills, San Juan. Ang lala, siya na yung mali ng parking kaya naclamp sasakyan niya. Sy… youtube.com

 

TAGS: greenhills. wheel clamp, illegal parking, San Juan City, greenhills. wheel clamp, illegal parking, San Juan City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.