Duterte: Mga miyembro ng Gabinete, dapat matutong mag-Bisaya
Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga miyembro ng kaniyang Gabinete na pag-aralan ang dayalektong Bisaya.
Ayon sa pangulo, dapat pag-aralan ng mga ito na umintindi at magsalita ng Bisaya dahil minsan ay nagbi-Bisaya siya sa kanilang mga Cabinet meetings.
Ani Duterte, hindi na niya problema kung hindi maintindihan ng mga opisyal na hindi nagbi-Bisaya ang kaniyang mga instructions gamit ang dayalekto.
Paliwanag niya, siya ang pinuno ng Gabinete at hindi naman siya miyembro kaya hindi niya ito problema.
Mababatid na kahit sa kaniyang mga talumpati, halu-halong Filipino at Cebuano ang ginagamit ni Duterte na minsan ay nasasamahan pa ng Ingles.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.