Ayon kay Siao, taong 2015 pa sinabi ng Aquino administration at ng World Bank na may inilaang $500 million loan para sa mga kababayan nating masasalanta ng kalamidad.
Sinabi nito na gusto niyang mabatid kung napakinabangan ng mga Pilipino ang credit loan para sa mga biktima ng kalamidad at kung papaano ito babayaran ng gobyerno.
Umaasa si Siao na ito sana ay napapakinabangan ng mga biktima ng kalamidad lalo ngayon na humihingi ng karagdagang ayuda ang lokal na pamahalaan ng Albay dahil nagbabadya ang mas malakas na pagsabog pa ng Bulkang Mayon.
Samantala, bago magtapos ang 2nd regular session ay pinase-certify as urgent ni Siao kay Pangulong Duterte ang House Bill 1648 o ang pagtatatag ng National Disaster Risk Reduction and Management Authority para mas maging epektibo ang pagtugon sa mga kalamidad.
Hiniling din nito na dagdagan pa ang pondo sa 2019 para sa disaster risk reduction and management sa 4th, 5th, at 6th class municipalities na siyang pinaka-nahihirapan tuwing nasasalanta ng kalamidad.