Japanese warship nasa Pilipinas para sa goodwill visit

By Rohanisa Abbas February 02, 2018 - 07:56 PM

Nasa bansa ngayon ang isang Japanese warship para sa dalawang araw na goodwil visit.

Sinalubong ng Philippine Navy ang JS Amagiri lulan ng 200 officers na dumaong sa Maynila.

Ipinahayag ni Capt. Koji Sato na parehong pinahahalagahan ng Pilipinas at Japan ang malaya at bukas na karagatan batay sa international law o freedom of navigation.

Layunin ng pagbisita ng Japanese warship na paigtingin ang ugnayan ng dalawang bansa.

Nagbibigay ng ayuda at kagamitan ang Japan sa Pilipinas para palakasin ang kakayanan ng militar sa gitna ng pag-aagawan ng teritoryo sa South China Sea.

 

 

 

TAGS: JS Amagiri, South China Sea, JS Amagiri, South China Sea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.