Sa unang linggo ng pagbabalik ng Oplan Tokhang, 800 ang sumuko at walang naitalang nasawi

PDI Photo | Marianne Bermudez

Mahigit 800 na drug personalities na ang sumuko sa unang linggo ng pagbabalik ng Oplan Tokhang ng Philippine National Police (PNP).

Sa consolidated report na isinumite ni PNP spokesperson Chief Supt. John Bulalacao kay PNP Director General Ronald dela Rosa, mula January 29 hanggang February 1, aabot sa 821 na drug suspects ang napasuko sa Oplan Tokhang sa buong bansa.

Sa loob ng unang linggong pagpapatupad nito, 2,127 ang naisagawang Tokhang operations nationwide, at walang naitalang nasugatan o nasawi.

Ayon kay Dela Rosa, ang pagiging bloodless ng Oplan Tokhang sa unang linggo nito ay bunsod ng pakikipagtulungan ng publiko.

Pero kung ang pag-uusapan naman ay ang anti-illegal drug opeations ng PNP sa ilalim ng Oplan Double Barrel Reloaded, mula Dec. 5, 2017 hanggang February 1, 2018 ay 46 na drug personalities ang nasawi.

Ang nasabing bilang ay mula sa 3,251 na ikinasang anti-drugs operations ng PNP.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...