53,000 mga motorista, padadalhan ng summon dahil sa paglabag sa bus lane sa EDSA

INQUIRER FILE PHOTO | GRIG C. MONTEGRANDE

Sa unang tatlong buwan na paghihigpit ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa bus lane sa EDSA, mahigit 53,000 na pribadong sasakyan at mga pampasaherong nahuling lumalabag dito.

Ang nasabing bilang ay nahuli gamit ang no-contact apprehension policy ng MMDA at padadalhan ng summon ng agensya.

Ayon kay MMDA assistant general manager for planning Jojo Garcia, ngayong linggong ito inaasahang matatanggap ng mga motorista ang summon.

Ang 53,253 na mga motoristang lumabag sa bus lane policy ay mula Nov. 21, 2017 hanggang Jan. 30, 2018.

Sa nasabing bilang 41,294 ang mga pribadong motorista na dumadaan sa bus lane.

Habang ang iba naman ang mga pampasaherong bus na lumalabas naman sa bus lane.

Multang P500 ang kakaharapin ng mga motorista habang ang mga lumabag na driver ng bus ay may dagdag na multa na P200 dahil sa reckless driving.

Kung makukulekta ang multa sa lahat ng lumabag, mangangahulugan ito ng P29 million na collection sa MMDA.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...