Duterte-Cayetano tandem sa 2016 elections kasado na

By Gina Salcedo September 29, 2015 - 11:48 AM SHARE(S):
digong alan
Mula sa FB Page ni Maria Fema Duterte

Kumpirmado na ang tambalan nina Davao City Mayor Rodrigo Duterte at Senator Alan Peter Cayetano sa 2016 elections.

Ito ang inihayag sa Radyo Inquirer ng dalawang personalidad na kapwa mula sa kampo ni Duterte at sumusuporta sa kandidatura ng alkalde sa pagka-pangulo.

Ang nasabing mga source ng Radyo Inquirer ay kinabibilangan ng isang retiradong heneral at isang abogado.

Ayon sa dalawa, selyado na ang tambalan ng dalawa. Si Duterte ay tatakbong presidente at si Cayetano ang magiging running mate nito at tatakbong bise presidente.

Samantala, pormal kanina ay pormal nang nagdeklara ng kaniyang kandidatura si Cayetano sa pagka-bise presidente. Ginawa ni Cayetano ang deklarasyon sa Davao City.

Hindi naman inihayag ni Cayetano kung sino ang magiging running mate niya sa 2016 elections.

 

TAGS: Duterte-Alan, Duterte-Alan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.