Dalawang konsehal, 1 pang sibilyan, sugatan sa pananambang sa Bulacan

Nasugatan sa pananambang ang dalawang konsehal sa lalawigan ng Meycauayan, Bulacan at isa pang sibilyan.

Ayon kay Senior Superintendent Romeo Caramat, Bulacan police provincial director, naganap ang pananambang Biyernes ng tanghali sa Barangay Malhakan.

Nasugatan sina David Michael Ramirez at Tomas Rosales, parehong city councilor ng Meycauayan at ang driver na si Rico Arceo.

Ani Caramat, Pauwi na ang mga biktima lulan ng Toyota Innova nang sumulpot ang naka-motorsiklong salarin na armado ng baril.

Pinagbabaril umano ng salarin ang sasakyan bago tumakas.

Dinala sa Meycauayan Doctors Hospital ang mga sugatang biktima.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa naganap na pananambang.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...