Dating INC minister Lowell Menorca, nabigyan ng asylum sa Canada
Pinagkalooban ng refugee status sa Canada si dating Iglesia Ni Cristo (INC) minister Lowell Menorca II.
Sa desisyon ng Immigration and Refugee Board (IRB) ng Canada nakasaad na mayroong ‘means’ at ‘motivation’ ang INC para saktan o patayin si Menorca kapag ito ay bumalik ng Pilipinas.
Ang ruling ng IRB ay inilabas ng CBC News.
Ayon naman kay Menorca, masayang-masaya siya sa naging desisyon ng IRB.
April 2016 nang magtungo sa Canada si Menorca kasama ang kaniyang misis na si Jinky, kanilang 2-taong gulang na anak, hipag na si Kungko Otsuka, kapatid na si Anthony Menorca at misis nito, at ang kanilang kasambahay na si Abehail Yanson.
Sa kaniyang liham noon sa IRB, sinabi ni Menorca na siya at kaniyang pamilya ay naging biktima ng kidnapping at illegal detention noong kasagsagan ng naglabasang isyu hinggil sa problema sa liderato ng INC.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.