Colmenares, magdedeklara na ng kandidatura sa pagka-senador

 

Magpoproklama na si Bayan Muna Party List Rep. Neri Colmenares ng kaniyang kandidatura sa pagka-senador bukas, September 30.

Kasabay nito ang ikatlong Congress and Party Convention ng Makabayan kung saan ipi-presenta ang mga plataporma ng grupo para sa 2016 Elections.

Inaasahang dadalo sa pagtitipon sina Senadora Grace Poe at Senador Francis Escudero, na nauna nang nagdeklara bilang magka-tandem sa halalan.

Gaganapin ang proklamasyon ni Colmenares sa San Andres Sports Complex, San Andres Street, Malate, Manila.

Nilinaw naman ng kampo ni Colmenares na tatakbo ang kongresista sa pagka-Senador sa ilalim ng partido ng ‘Makabayan’.

Pero, nasa 90 percent umano ang tsansa na mapabilang sa Senatorial slate nina Poe-Escudero si Colmenares.

Read more...