Bus na may sakay na mga atleta at mga guro, naaksidente sa Samar; 1 patay at 7 ang sugatan

By Dona Dominguez-Cargullo February 02, 2018 - 03:54 PM

Naaksidente sa Catbalogan City, Samar ang isang bus na may sakay na mga atleta.

Isa ang nasawi habang sugatan ang pitong iba pa, makaraang bumangga ang bus sa kasalubong nitong tricycle at isang rescue vehicle.

Ang bus na may plate number na 073208 ay minamaneho ni Anecito Lumbre, 55 anyos at residente ng Tacloban City.

Sakay ng nasabing bus ang mga delegado ng Eastern Visayas Regional Athletic Association na magtutungo sana sa Calbayog.

Nakilala ang nasawi na si Adriano Sonio, 65 anyos at isang dried fish vendor.

Habang ang mga nasugatan ay ginagamot pa sa ospital.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: bus accident, catbalogan city, Eastern Visayas Regional Athletic Association, Samar, bus accident, catbalogan city, Eastern Visayas Regional Athletic Association, Samar

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.