NDF consultant Baylosis, hindi tinaniman ng baril at granada ayon kay PNP Chief Dela Rosa

NDFP Photo

Itinanggi ni Philippine National Police Chief (PNP) chief Ronald Dela Rosa na tinaniman ng baril at granada ang naarestong consultant ng National Democratic Front (NDF).

Ayon kay Dela Rosa, karaniwan nang katwiran ng mga naaarestong suspek o kriminal na sila ay nataniman lang ng ebidensya.

Sa kaso ni NDF consultant Rafael Baylosis, mayroon aniya talagang nakuhang baril at granada sa kaniya at sa kasamang si Guillermo Roque.

Samantala, sinabi ni CIDG-NCR chief Wilson Asueta na nakatakda silang maghain ng panibagong kasong disobedience to lawful order laban kay Baylosis.

Ito ay dahil sa paulit-ulit nitong pagtanggi na sumailalim sa mug shots at makuhanan ng fingerprints.

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...