CPP Secretary Rommel Salinas, May 2017 pa nadakip ayon sa NUPL
Nilinaw ng National Union of People’s Lawyers o NUPL na taliwas sa pahayag ng otoridad, matagal nang naaresto ang isang opisyal ng Communist Party of the Philippines.
Sa isang press statement, sinabi ng NUPL na arestado na si National Democratic Front Consultant Rommel Salinas noon pang May 11, 2017 at nakakulong pa rin ito ngayon.
Ayon kay NUPL Secretary General Atty. Ephraim Cortez, matapos ang paglilitis kahapon sa Ozamis Regional Trial Court dahil sa nakabinbin na kasong illegal possession of explosives laban kay Salinas at Bishop Carlo Morales, sinabi ng mga operatiba ng PNP Criminal Investigation and Detection Group na nahuli nila si Salinas at tinangka umano nilang magsilbi ng warrant para sa kasong frustrated murder at arson.
Pero ayon sa NUPL, ang naturang warrant ay naisilbi noong pang Mayo ng nakaraang taon. Nakasaad umano ito sa affidavit of arrest noong 2017.
Giit ng grupo, patunay ito ng banta ng pagtanggap na lang kung ano ang pahayag ng pulisya at militar.
Ito umano ang dahilan ng misleading police spot check report at press release para palabasin na kahapon lang naaresto si Salinas.
Dagdag ng NUPL, ito ay isang propaganda para maghasik ng takot at pagkalito sa publiko.
Samantala, sa isang panayam ay kinumpirma ni Supt. Lemuel Gonda, Northern Mindanao Police Spokesman na naaresto na nga si Salinas siyam na buwan na ang nakalipas.
Pero isa pa pang arrest warrant para sa isa pang kaso ang isinilbi umano noong Huwebes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.