Dating PhilPost chief hiniling sa Sandiganbayan na payagan siyang mag-celebrate ng birthday sa Thailand
Hiniling ni dating Philippine Postal Corporation Postmaster General Josefina Dela Cruz sa Sandiganbayan na payagan siyang magbiyahe patungong Thailand para i-celebrate ang kaniyang 60th birthday.
Sa anim na pahinang travel motion, hiniling ni Dela Cruz na dati ring gobernadora ng Bulacan payagan siyang makalabas ng bansa mula February 26 hanggang March 2 kasama ang dalawa niyang anak na sina Josephine Marie at Jose Paolo.
Ang Bangkok trip ay birthday gift aniya sa kaniya ng dalawa niyang anak para sa kaniyang kaarawan sa February 24 at ang mga ito umano ang bumili ng plane ticket gamit ang kanilang ipon.
Tiniyak ni Dela Cruz na hindi siya magtatago at agad ding babalik sa bansa.
Si Dela Cruz ay kinasuhan ng Office of the Ombudsman ng 15 bilang ng kasong paglabag sa Republic Act 8291 o GSIS Act of 1997.
Ito ay dahil sa kabiguan ng PhilPost noon na iremit ang loan amortization ng kanilang empleyado sa Zamboanga City na si Santos Jose Pamatong Jr., sa GSIS mula October 2011 hanggang December 2012.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.