Mabusising sinusuri ngayon ang listahan ng mga evacuees dahil sa pag-aalburuto ng Bulkang Mayon.
Ayon kay Cedric Daep, pinuno ng Albay Public Safety and Emergency Management Office, nagulat sila sa biglang paglobo ng bilang na pinakahuling naitala sa 84,543.
Ang mga ito aniya ay nasa 79 evacuation centers.
Aniya layon lang naman nila na matukoy kung ang lahat ng mga nasa evacuation centers ay ang mga residente na kailangan talagang lumikas.
Sinabi ni Daep na siksikan na sa mga evacuation centers at ito dahilan kayat nagkakahawaan ng mga sakit ang mga bakwit.
MOST READ
LATEST STORIES