Strong El Niño sa bansa, idineklara na ng PAGASA

By Erwin Aguilon September 29, 2015 - 11:21 AM

el-ninoPormal nang idineklara ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pagpasok ng strong El Niño sa bansa.

Ayon kay Pagasa Climate Change Monitoring Section, officer-in-charge Anthony Joseph Lucero, nakamit na ang criteria para magdeklara sila ng strong El Niño.

Sinabi ni Lucero na na simula pa noong buwan ng Hulyo nakita na nila ang indikasyon ng strong El Niño pero kailangan aniyang magtuloy-tuloy ito ng tatlong buwan bago pormal na ideklara.

Hanggang noong buwan ng Agosto, nasa 25 na lalawigan ang nakararanas ng dry condition, limang probinsya naman ang mayroong dry spell habang pitong lalawigan ang nakararanas ng drought.

Kabilang sa mga lalawigan na nakararanas ng drought ay ang Quirino, Aurora, Quezon, Bohol, Siquijor, Camiguin at Misamis Oriental.

Sa pagtaya ng Pagasa inaasahang mararanasan ng bansa ang matinding epekto ng El Niño hanggang sa Disyembre ng kasalukuyang taon kung saan nasa 58 percent ng bansa ang makararanas ng sobrang tagtuyot at tataas pa ito sa 85 percent sa buwan ng Pebrero ng 2016.

TAGS: StrongElNino, StrongElNino

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.