3 empleyado ng DOJ sinibak dahil sa pagkakasangkot sa anomalya sa visa processing

By Dona Dominguez-Cargullo February 02, 2018 - 11:45 AM

Sinibak ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ang tatlong empleyado ng Department of Justice (DOJ) na sangkot sa anomaly sa pag-proseso ng visa sa Bureau of Immigration (BI).

Ayon kay Aguirre, inamin mismo ng tatlo ang pagkakasangkot nila sa anomalya.

Hindi pa naman inilabas ni Aguirre ang pagkakakilanlan ng tatlo pero nakatakda na aniyang magsampa ng kaso ang DOJ laban sa mga ito.

Isasailalim din sila sa immigration lookout bulletin order upang mabantayan ang kanilang kinaroroonan.

Dahil sa insidente, nanawagan si Aguirre sa lahat ng empleyado ng DOJ na iwasan ang masangkot sa anomang uri ng korapsyon dahil tiyak aniyang may kalalagyan ang mga ito.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: department of justice, Radyo Inquirer, Vitaliano Aguirre, department of justice, Radyo Inquirer, Vitaliano Aguirre

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.