100 bahay nasunog sa Cebu City

By Dona Dominguez-Cargullo February 02, 2018 - 10:55 AM

Inquirer Visayas Photo

Aabot sa 700 katao ang nawalan ng tirahan sa sunog na naganap sa Cebu City.

Ayon kay Fire Supt. Ceasar Patrocinio, Cebu provincial fire marshal, nasunog ang nasa 100 mga bahay sa Sitio Kanipaan, Barangay Sawang Calero sa lungsod.

Nagsimula ang sunog sa bahay ng isang Mario Fernandez alas 11:28 ng Huwebes ng gabi at mabilis na kumalat sa mga katabing bahay.

Alas 12:50 na ng madaling araw nang maideklarang under control ang sunog.

Nadamay sa sunog ang establisyimento ng Missionaries of the Poor at nailigtas ang 42 mga bata na nanunuluyan dito.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Cebu City, fire incident, inquirer visayas, Radyo Inquirer, Cebu City, fire incident, inquirer visayas, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.