Panganay na anak ni dating Cuban President Fidel Castro, nagpakamatay

Fidel Castro Jr. | Photo from sciencemag.org

(BREAKING) Nagpakamatay ang anak ni dating Cuban President Fidel Castro na si Fidel Castro Jr.

Ayon sa ulat ng Cuban state-run media, ilang buwan nang nakararanas ng depresyon ang 68-anyos na si Castro Jr.

Sumailalim umano ito sa ilang buwang gamutan at maraming duktor na ang tumingin sa kaniya dahil sa matinding depresyon.

Matapos manatili sa ospital, nagpatuloy pa ang paggagamot ni Castro Jr.

Ang 68 anyos na si Castro Jr. na kilala rin sa tawag na “Fidelito” dahil kamukhang-kamukha siya ng kaniyang ama ay nagbaril umano sa sarili.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...