Presensya ng mga adik sa droga sa maraming lugar sa bansa tumaas ayon sa SWS survey
Nadagdagan ang bilang ng mga gumagamit ng ilegal na droga sa maraming lugar sa bansa.
Sa survey ng Social Weather Stations (SWS), sa huling quarter ng taong 2017, maraming pamilya sa Luzon, Visayas at Mindanao ang nagsabi na tumaas ang presensya ng mga drug addict sa kani-kanilang mga lugar.
Sa Luzon, nakapagtala ng 45 percent sa presensya ng mga drug adduct noong December 2017, mas mataas ng 11 percent kumpara sa September 2017 survey. Mas mababa naman ito kung “annual average presence of addicts” ang pagbabasehan dahi; noong 2016, nakapagtala ng 54.5 percent.
Sa Visayas naman, nakapagtala ng 43 percent sa presensya ng mga adik na mas mataas ng 3 percent kumpara sa nagdaang survey.
Habang sa Mindanao, mayroon ding 3 percent na pagtaas makaraang magtala ng 30 percent noong December 2017 kumpara sa 27 percent noong Setyembre 2017.
Samantala, sa Metro Manila, sinabi ng mga pamilyang naisailalim sa survey na bumaba ang bilang ng mga adik sa kailang komunidad.
Nakapagtala lamang ang SWS ng 50 percent sa NCR na mas mababa sa 62 kumpara noong nagdaang survey.
Dahil dito, naitala ang record-low na 57.8 percent sa presensya ng mga drug addict sa Metro Manila para sa taong 2017.
Ginawa ang survey noong December 8 hanggang 16, 2017, gamit ang face-to-face interviews sa nasa 1,200 na katao sa buong bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.