200 pamilya nasunugan sa Parañaque

Aabot sa 200 pamilya ang nawalan ng tirahan sa sunog na naganap sa Gomburza St., Barangay Sto. Niño, Parañaque City.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, kabuuang 153 bahay ang natupok sa sunog na nagsimula dakong 5:46 ng umaga ng Biyernes, Feb. 2.

Umabot sa ikatlong alarma ang sunog na idineklarang fire under control alas 6:57 ng umaga.

Mabilis na kumalat ang apoy dahil dikit-dikit ang mga bahay na pawang yari sa light materials.

Nabatid na nagsimula ang sunog sa tindahan ng isang alyas Marimar.

Nalapnos naman ang likod ng isang alyas Eddie dahil sa nasabing sunog.

Inaalam pa naman ng BFP ang pinagmulan ng apoy sa nasabing sunog gayundin ang pinsalang dulot nito.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...