2 patay sa “killing spree” sa Amerika

By Dona Dominguez-Cargullo February 02, 2018 - 06:27 AM

Patay ang dalawang katao sa inilarawan ng mga otoridad na isang “planned killing spree” sa Detroit, Michigan sa Estados Unidos.

Magkasunod na inatake ng gunman ang dalawang business establishment at binaril ang target niyang mga biktima.

Ayon sa ulat, unang pinuntahan ng suspek ang isang trucking business na BSD Trucking at saka pinagbabaril ang unang biktima gamit ang semiautomatic weapon.

Wala pa ang halos isang oras, isa pang business establishment na Aluminum Stamping Inc. ang pinuntahan nito at saka binaril din ang ikalawang biktima.

Ayon kay Oakland County Sheriff Michael Bouchard, may ikatlong kumpanya pang pinuntahan ang lalaki pero agad din itong umalis matapos na mistulang hindi mahanap ang target.

Sumakay ang suspek sa kaniyang truck at nagawa pang hintuan ang mga otoridad sa Waterford at pinagbabaril. Nadakip ang suspek matapos tamaan ng bala ng baril ng mga pulis at dinala na sa ospital.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga pulis sa motibo sa krimen.

 

 

 

 

 

TAGS: detroit, killing spree, michigan, detroit, killing spree, michigan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.