January inflation, mas bumilis dahil sa TRAIN law

 

Tinatayang nasa 3.5 hanggang 4 percent ang naging pagtaas sa inflation rate sa buwan ng Enero ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Ang naging pagbilis ng inflation ayon sa Central Bank ay bunsod ng pag-arangkada ng Tax Reform Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.

Ang ‘inflation’ o implasyon ay ang pagtaaas sa pangkalahatang antas ng mga presyo ng mga produkto at serbisyo sa loob ng isang espisipikong panahon.

Ayon sa BSP, ang pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo dahil sa paggalaw ng presyo sa world market at pagtaas din sa presyo ng mga pagkain bunga naman ng mga salik na may kinalaman sa panahon ay maaaring nakaapekto sa pagtaas ng inflation sa buwan ng Enero.

Dahil naman sa TRAIN, nagbabala rin ang BSP na ang pagtaas ng excise tax sa krudo at sweetened beverages ay maaaring magbunga pa ng pagtataas sa mga presyo.

Sa buwan pa lamang ng Enero ay halos nasa P40 na ang presyo ng diesel bunsod ng P2.50 kada litrong excise tax sa ilalim ng TRAIN law.

Read more...