PNP may ‘body cam’ na para sa anti-drug ops sa Hunyo

By Kabie Aenlle February 02, 2018 - 03:04 AM

Mula sa Google

Sa buwan ng Hunyo na inaasahang magsisimulang magsuot ng body cameras ang mga pulis na sasabak sa anti-illegal drugs operations.

Ipinag-utos na ni Philippine National Police (PNP) chief Director Gen. Ronald dela Rosa ang paglalaan ng P334 milyon para ipambili ng body cameras para sa mga local drug enforcement units.

Ibinilin na rin ni Dela Rosa kay PNP directorate for logistics Director Jose Victor Ramos na pabilisin ang pagbili sa mga nasabing body cameras upang matiyak ang transparency sa mga anti-drug operations.

Target na maikonekta ang mga naturang camera sa isang system kung saan mayroong mapapanood na live feed sa mga operations centers ng mga drug enforcement units.

Sa ganiton paraan, makikita at mamo-monitor ng kanilang mga commanders ang operasyon ng kaniyang mga tauhan.

Tiniyak naman ni Dela Rosa na minamadali na nila ang proseso dahil hangga’t wala silang mga body cameras, lalong hindi mapapakali ang kanilang mga kritiko.

Nais aniya nilang iparamdam sa mga kritiko na pinakikinggan nila ang mga ito.

Samantala, nilinaw naman niyang ang pagbili nito ay hindi prioritized sa 2017 annual procurement plan para sa mga kagamitang kailangan para sa anti-crime at counter-terrorism operations.

Kabilang sa mga prayoridad nilang bilhin noong nakaraang taon ay ang mga kailangan para sa mga misyon tulad ng 48 na K9 units na ngayon ay nagsasanay na sa PNP kennel sa Alfonso, Cavite.

Ayon kasi kay Dela Rosa, malaki ang maitutulong ng mga ito sa paglaban sa mga banta ng terorismo sa bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.