Mga pulis, nakaligtas sa pananambang sa Lantawan, Basilan

By Kabie Aenlle February 02, 2018 - 01:26 AM

 

Mapalad na nakaligtas ang grupo ng mga pulis matapos silang tambangan ng mga hindi pa nakikilalang suspek sa Lantawan, Basilan.

Ayon kay Chief Supt. Graciano Mijares na police director ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), isang grupo ng pitong pulis mula sa Lantawan police ang pabalik na sana sa kanilang himpilan sakay ng kanilang patrol vehicle.

Nanggaling sa isang barangay anti-crime meeting ang mga nasabing pulis.

Ngunit pagdating nila sa Barangay Bulan-Bulan, sinalubong sila ng mga putok ng baril pasado alas-dos ng hapon ng Huwebes.

Nagawa namang makaganti ng mga pulis, at makatakas mula sa pananambang.

Nangyari ang insidente isang araw lang matapos patayin sa ambush ng mga hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf ang dalawa kataong nagtatrabaho sa isang proyekto ng gobyerno sa Lamitan City.

Ayon kay Engineer Soler Undug ng DPWH-Basilan, bago pa man mangyari ang pag-atake ay nakatatanggap na ng mga banta ang mga trabahador ng road projects.

Nabatid ng mga pulis na sinusubukan ng mga miyembro ng Abu Sayyaf na mangikil ng pera mula sa mga proyektong isinasagawa ng gobyerno.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.