Carandang suspension, dapat idulog sa SC upang maiwasan ang constitutional crisis

By Ruel Perez February 02, 2018 - 12:31 AM

 

Nagkakaisa sina Senador Franklin Drilon at Senador Chiz Escudero sa panukala na makialam na ang Korte Suprema sa usapin ng banggaan sa pagitan ng palasyo at ng Ombudsman kaugnay sa usapin ng suspensyon kay Deputy Ombudsman Melchor Carandang.

Ayon kay Senador Escudero, maiiwasan lamang ang Constitutional crisis kung dudulog ang magkabilang panig sa SC para mapagdesisyunan ang usapin ng pagsuspinde ng Palasyo kay Carandang at ang pagtanggi ng Ombudsman na tumalima sa kautusan.

Hinimok ni Escudero ang Solicitor General, bilang abugado ng gobyerno na maghain ng petisyon for mandamus o certiorari sa SC at gayundin ang Ombudsman na maaring maghain ng petisyon para maibasura ang suspension order ng pangulo laban kay Carandang.

Giit ni Escudero, ito ang legal, pinakamaganda at mapayapang paraan para resolbahin ang usapin kesa mangyari pa na magpadala ng pulis ang Palasyo para isilbi ang suspension order sa Ombudsman na naninidigan na ilegal ang suspension order laban kay Carandang.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.