Kaso ng bulok na sardinas na tinanggap ng Mayon evacuee, isolated case lamang

By Jan Escosio February 02, 2018 - 12:34 AM

Itinuturing na isolated case lang ang napa-ulat na pagkakaroon ng mabahong de lata na kasama sa mga naibigay na relief goods sa mga evacuees sa Sto. Domingo, Albay.

Ayon kay Regina Eshaluce, isang social worker, isang babaeng evacuee sa Barangay Bical ang nagsoli ng isang lata ng sardinas na may tatak na Swan.

Kinumpirma nito na mabaho na ang amoy ng sardinas ngunit aniya hindi sila tiyak kung ang de lata ay kasama sa mga naibigay na relief goods.

Sinabi nito na pinalitan na rin lang nila ang sirang de lata.

Samantala, ilang evacuees din ang nagsabi na may apat na relief packs na galing sa DSWD ang may mga insekto na sa loob ng kahon.

Pinalitan din anila ang mga relief boxes.

Sinabi naman ni Cedric Daep, ang hepe ng Albay Disaster Risk Reduction and Management Council, wala pa silang natanggap na anuman sumbong o reklamo ukol sa mga mga ipinamamahaging relief goods.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.