125 taon ng San Miguel Corporation kasama ang sambayanang Filipino

By Arlyn Dela Cruz September 29, 2015 - 10:30 AM

San miguyelSa loob ng 125 taon ay naging bahagi ng buhay ng Filipino ang San Miguel Corporation.

Sa lahat halos ng pang-araw-araw na pangangailangan ng Filipino, naroon ang San Miguel Corporation. Sa pag-usad ng panahon ay nagbago ang pangangailangan ng mga Filipino at sumababay at umagapay sa bawat pagbabagong ito ang San Miguel Corporation.

Mula sa isang tradisyunal na negosyo ang San Miguel Corporation ay nagpatuloy sa pagpapaunlad at pagpapalawak ng kanilang produkto at serbisyo na siyang naging dahilan ng katatagan nito sa loob ng 125 taon.

Ang San Miguel Corporation ay isa sa pinakamalalaki at pinakamasiglang kumpanya na nag-aambag ng 6% sa gross national product ng Pillipinas sa pamamagitan ng “highly integrated operations in beverages, food, packaging, oil refining . marketing, power, mining, infrastructure, aviation at telecommunications”.

Sa bilang na 18,000 direct workers, ang San Miguel Corporation ay isa sa mga nakapagbibigay ng matatag na empleyo sa bansa. Bukod pa diyan ang 145,000 na trabaho para sa mga suppliers, distributors, retailers at iba pang business partners ng San Miguel Corporation.

Sa ika-125 taon ng San Miguel, ang tema ng pagdiriwang ay naka-angkla sa “One Genuine Brew, One Enduring Legacy, Our Source of Pride” na ang layunin ay pagtibayin pa ang ugnayan sa sambayanang Filipino.

TAGS: Sanmiguelcorp, Sanmiguelcorp

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.