IBP nag-alok ng tulong sa pagpapaliwanag sa publiko ng Cha-cha

By Ruel Perez February 01, 2018 - 07:52 PM

Photo: Ruel Perez

Iniaalok ng Integrated Bar of the Philippines sa pamamagitan ni IBP Vice Chman Atty Domingo Cayosa ang tulong ng mga abogado mula sa 85 IBP Chapters para maipaalam sa tao ang mga usapin nakapaloob sa panukalang charter change.

Ayon kay Cayosa, kinonsulta at pinag-usapan umano nila sa lahat ng chapters sa buong bansa at nagkakaisa umano sila na tutulong sa pagpapalinaw ng ilang mga bagay kaugnay sa magkakasalungat na punto sa charter change.

Sinabi rin ng opisyal ng IBP na sakaling matuloy ang amyenda sa Saligang Batas ay dapat na mas lalong mapalakas ang mga panukalang nakapaloob dito.

Ipinunto ni Cayosa na dapat din umanong silipin kung paano mapapalakas at mapapabilis ang justice system.

Mungkahi pa ni Cayosa, baka maari din silipin kung maaring payagan na makapagpractice sa bansa ang mga foreign lawyers bilang ito na rin ang tinatawag ng panahon.

Isa pang mungkahi ni Cayosa na baka maaring gawing self-explenatory ang mga probisyon sa Konstitusyon at kung may consensus ng federal system ay dapat umanong palakasin ang political system.

Samantala, sinabi naman ni Gerardo Rivera ng Partido Manggagawa iginiit na dapat munang unahin ang “Chi-cha” o pagkain sa mesa bago ang Cha-cha.

Giit ni Rivera, Constitutional Convention o Con-Con ang mas mainam na paraan sa  pag-amyenda sa Saligang Batas kasunod nito ang people’s initiative.

TAGS: cayosa, chacha, concon, IBP, cayosa, chacha, concon, IBP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.