Pagbuwag sa ERC tinatalakay na ng Kamara

By Erwin Aguilon February 01, 2018 - 05:28 PM

Inquirer file photo

Sinimulan na ng House Committee on Government Reorganization at House Committee on Energy ang pagtalakay sa panukalang pagbuwag sa Energy Regulatory Commision o ERC.

Base sa panukala ni House Speaker Pantaleon Alvarez kailangan palitan na lamang ang ERC ng Board of Energy.

Ipapasailalim naman sa Department of Energy ang bubuuing Board of Energy kung saan direktang sakop ito ng executive department partikular ng pangulo.

Ang panukala ng pinuno ng Kamara ay kasunod ng mga kontrobersya na bumalot sa ahensya.

Kabilang na rito ang pagpapakamatay ni dating ERC Director Francisco Jose Villa Jr kung saan sa kanyang iniwang sulat isiniwalat ang mga anomalya sa ahensya.

Kasama rin sa mga gusot sa regulatory body ang mga inaprubahang midnight deals.

TAGS: board of energy, DOE, erc, villa, board of energy, DOE, erc, villa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.