PNP: Pulitika hindi dapat idikit sa pag-aresto sa CPP-NPA official

By Den Macaranas, Rohanisa Abbas Excerpt: February 01, 2018 - 04:27 PM

Inquirer file photo

Walang halong pamumulitika ang pag-aresto sa consultant ng National Democratic Front (NDF) na si Rafael Baylosis ayon sa Philippine National Police.

Ipinahayag ni PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa na pawang suliranin ito sa New People’s Army (NPA).

Nilinaw naman ni Dela Rosa na walang arrest warrant laban kay Baylosis batay sa pagsisiyasat ng Criminal Investigation and Detaction Group.

Aniya, bunga ng intelligence operation ang pag-aresto sa NDF consultant.

Sinabi ng PNP Chief na nabawi rin kay Baylosis at sa kanyang kasamahan na si Guillermo Roque na isang umanong CPP-NPA member ang dalawang Cal. 45 na baril, mga bala at ilang mga dokumento.

Ang dalawang mga naaresto ay nahaharap sa mga kasong illegal possession of firearms and ammunitions.

Pinabulaanan din ni Dela Rosa ang akusasyon ng human rights group na Karapatan na ang pag-aresto kay Baylosis ay panggigipit sa consultants ng komunistang grupo.

Giit ni Dela Rosa, ginagawa lamang ng PNP ang kanilang trabaho.

Sa hiwalay na pahayag, sinabi ng National Democratic Front of the Philippines na dapat palayain ng walang anumang kundisyon sina Baylosis.

Posible rin umanong planted lamang ang mga armas na nakuha sa mga miyembro ng komunistang grupo para lamang idiin ang mga ito sa iba’t ibang mga kaso.

TAGS: baylosis, CPP, dela rosa, ndfp, NPA, baylosis, CPP, dela rosa, ndfp, NPA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.