Malacañang nanindigan na tama ang pangulo sa pagsupinde sa Deputy Ombudsman

By Chona Yu February 01, 2018 - 03:56 PM

Inquirer file photo

Naniniwala ang Malacañang na walang impasse’ o deadlock ang kautusan ng Office of the President na suspendihin ng siyamnapung araw si Overall Deputy Ombudsman Melchor Arthur Carandang dahil sa pagsasapubliko ng dimunao ay bank account ni Pangulong Rodrigo Duterte nang walang basbas sa Anti Money Laundering Council (AMLC).

Sa press briefing sa Baguio City, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na may hurisdiksyon ang pangulo na disiplinahin ang Deputy Ombudsman.

Inihalimbawa pa ni roque si dating Pangulong Benigno Aquino III na hindi lang isa kundi tatlong beses na nagsuspendi ng Deputy Ombudsman.

Kasabay nito, binuweltahan ni Roque ang mga kritiko ng administrasyon gaya ni Senador Antonio Trillanes IV na nagsabing impeachable offense umano ang ginawa ng pangulo.

Ayon kay Roque, wala kasing mapula ang oposisyon kung kaya sinasakyan na lamang ang bawat pagkakataon na makabatikos sa pangulo.

TAGS: carandang, Malacañang, Morales, overall deputy ombudsman, Roque, carandang, Malacañang, Morales, overall deputy ombudsman, Roque

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.