Far-fetched idea o malayo sa katotohanan ang pangamba ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na creeping dictatorship ang isinisulong na charter change ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa press briefing sa Baguio City, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na naiintindihan ng palasyo ang sintemyento ng mga obispo para mabago ang kasalukuyang porma ng gobyerno na unilateral patungo sa pederalismo.
Pero tiniyak ni Roque na walang interes ang pangulo na palawigin pa ang kanyang termino o hindi ituloy ang eleksyon.
Malinaw aniya ang adbokasiya ng pangulo na kailangangang pairalin ang rule of law at susundin ang Saligang Batas na pagsapit ng tanghali ng June 30, 2022 ay kinakailangan na niyang bumaba sa puwesto.
Nauna na ring sinabi ng pangulo na hindi niya tatapusin ang kanyang termino sa oras na mabago ang porma ng ating pamahalaan sa pamamagitan ng amyenda sa Saligang Batas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.