Commissioner Parreño bagong acting Chairman ng Comelec
Si Commmission on Election Commissioner Al A. Parreño ang napili sa ginanap na en banc session na tatayo bilang acting Chairman ng Comelec.
Sa pagdinig ng Senado ay sinabi ni Comelec Commissioner at kasalukuyang acting Chairman Christian Robert Lim na bababa na siya sa kanyang posisyon simula bukas, February 2.
“Yesterday during the en banc session, we have designated Al Parneño to be the acting chairman after I retire on February 2, your honor,” ayon kay Lim.
Sa ginanap na en banc session ay itinalaga naman si Director Teopisto Elnas bilang pinuno ng Project Management Office ng Comelec.
Samantala, tikom naman ang bigbig ng Comelec kaugnay sa usapin ng pagdaraos ng plebisito sa Mayo kung matuloy ang panukalang charter change
Ayon kay acting Chairman Christian Robert Lim na dumalo sa isinagawang pagdinig ng joint congressional oversight committee on automated election sa senado nangangailangan ng mahabang panahon para sa Cha-cha.
Maliban dito, pinaka critical umano para sa plebisito ang gagamiting balota na nangangailangan ng carbonless paper
Ayon kay Lim, gagamitin sa election returns ang carbonless paper para isa na lang ang gagawing pagfill-up sa balota
Giit ni Lim, matagal ang proseso sa pag-import at manufacture ng nabanggit na carbonless paper para sa balota maliban pa sa walang budget para dito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.