Pagkakaaresto kay Rafael Baylosis, pwedeng idulog sa korte ayon sa Malakanyang

By Chona Yu February 01, 2018 - 12:50 PM

Inquirer Photo | Joan Bondoc

Pinayuhan ng palasyo ng Malakanyang ang National Democratic Front at iba pang makakaliwang grupo na dumulog sa korte at maghain ng habes corpus.

Ito ay kung naniniwala ang makakaliwang grupo na labag sa karapatang pantao at Joint Agreement on Safety Immunity Guarantees (JSAIG) ang pag-aresto ng mga pulis kina NDF cosultant Rafael Baylosis at kasamahan na si Guillermo Roque sa Quezon City.

Nakumpiska kina Baylosis at Roque ang dalawang caliber 45 pistol at labingapat na piraso ng bala.

Sa press briefing sa Baguio City, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na wala namang martial law sa Luzon kung kaya malaya ang makakaliwang grupo na maghain ng habeas corpus.

Wala rin aniyang nilalabag ang gobyerno na JASIG dahil wala namang umiiral na usaping pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at makakaliwang grupo.

Nanindigan pa si Roque na kapag may kaso ang isang tao, marapat lamang na arestuhin ng mga otoridad dahil kapag hindi ito ginawa magmimistulang inutil naman ang mga pulis.

Si Baylosis ang kauna-unahang NDF consultant na inaresto matapos ideklara ni Pangulong Rodrigo Duterte na isang teroristang grupo ang Communist Party of the Philippines at New People’s Army.

 

 

 

 

TAGS: Harry Roque, ndfp, Radyo Inquirer, Rafael Baylosis, Harry Roque, ndfp, Radyo Inquirer, Rafael Baylosis

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.