Dating PCA administrator, itinalaga bilang MTRCB board member kapalit ni Asec. Mocha Uson

PCA Photo

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating Philippine Coconut Authority (PCA) administrator Avelino Andal bilang bagong miyembro ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Papalitan ni Andal si dating board member Margaux ‘Mocha’ Uson na ngayon ay assistant secretary na sa Presidential Communications Office (PCO).

Tatagal ang termino ni Andal hanggang Sept. 30, 2018.

Si Andal ay natanggal sa pwesto bilang PCA administrator sa akusasyon ng pagkulekta umano ng P1.50 kada board foot ng coconut lumber na nakukuha sa ilang mga lugar sa bansa.

Matapos maalis sa pwesto, si Romulo dela Rosa na ang pumalit kay Andal bilang administrator ng PCA.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...