Dagdag bayarin sa birth certificates, CENOMAR, marriage contract at iba pa, simula na bukas
Simula bukas, February 2, epektibo na ang dagdag na bayarin sa mga dokumentong kinukuha ng publiko sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Kabilang dito ang birth certificate, marriage certificate, death certificate at ang certificate of no marriage o CENOMAR.
Ayon sa PSA, ang P15 na dagdag singil sa nasabing mga dokumento ay dahil sa pagtaas ng bayarin sa documentary stamp tax na bahagi ng TRAIN law.
Mula bukas, P155 na ang halaga ng bawat kopya ng birth, marriage, death certificates at authentication.
Habang P210 naman ang bawat kopya ng certificate of no marriage (CENOMAR).
Tumaas din ang halaga kung oorder ng dokumento online at ipapa-deliver. Para sa local deliver, P330 na ang halaga ng bawat kopya ng birth, death at marriage certificates habang P430 naman ang bawat kopya ng CENOMAR.
Kung sa ibang bansa naman ipapadala ang kopya, US$ 20.30 ang halaga ng bawat kopya ng birth, death at marriage certificates at US$ 25.30 naman ang halaga ng bawat kopya ng CENOMAR.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.