Sa ngayon ayon sa PHIVOLCS, umabot na sa 32.6 million cubic meters ang nailabas na volcanic material ng bulkan.
Ayon kay PHIVOLCS Bicol Chief Ed Laguerta, patuloy pa ang pag-agos ng lava mula sa bulkan.
Babala nito, kapag malakas ang ulan ay pwedeng umagos sa kalapit na mga komunidad ang pyroclastic flow, na kumbinasyon ng volcanic fragments at gas.
Samantala, sa kabila ng pansamantalang kanselasyon ng operasyon ng Legazpi International Airport, lumago ng 25 percent ang turismo sa Albay nitong Enero kumpara sa parehong panahon noong 2017.
Ito ay dahil sa dami ng mga turistang dumagsa sa lalawigan para makita ang Mayon.